Php3.4M halaga ng shabu, nasabat sa Virac, Catanduanes; HVI, arestado

0
33

Arestado sa joint operation ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 5, Catanduanes Provincial Intelligence Unit at Virac Municipal Police Station ang isang High Value Individual sa Virac, Catanduanes nito lamang Lunes, Mayo 11, 2026.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Malu Calubaquib, Spokesperson ng Police Regional Office 5, kinilala ang suspek na si alyas “Jer”, 44 anyos, residente ng naturang lugar na nakuhanan ng 91 piraso ng heat-sealed plastic sachets na tumitimbang ng 500 gramo na nagkakahalaga ng Php3.4 milyon, iba pang drug paraphernalia at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tuloy-tuloy ang kampanya ng PDEA at PRO 5 kontra iligal na droga na walang ibang dala kundi kaguluhan, karahasan at kriminalidad na hadlang sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na komunidad.

Source httpswww.manilatimes.net20260513regionspolice-seize-p34m-worth-of-shabu-in-virac2342001

Leave a Reply