Rank 8 Provincial Most Wanted Person, naaresto sa Masbate

0
10
Screenshot

Naaresto ng pulisya ang Rank 8 Provincial Most Wanted Person ng Masbate sa bisa ng warrant of arrest noong Mayo 12, 2026 sa Brgy. San Isidro, Cataingan, Masbate.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa pinagsamang puwersa ng CIDG Masbate PFU, Cataingan MPS, 2nd PMFC ng Masbate PPO, RIU 5-PIT Masbate, at 96th Military Intelligence Company (MICO) ng Philippine Army.

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Ronald,” 42 taong gulang, na sinasabing miyembro ng KLG South, SRC4, BRPC sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson sa lalawigan ng Masbate. Agad namang dinala ang naarestong suspek sa CIDG Masbate PFU para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Ang tagumpay na ito ay bahagi pa rin ng patuloy na implementasyon ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na layuning paigtingin ang kampanya laban sa mga wanted persons at iba pang uri ng kriminalidad sa rehiyon.

“Ang matagumpay na pagkakaaresto sa isa sa mga most wanted persons sa lalawigan ng Masbate ay patunay ng ating tuloy-tuloy at pinaiigting na kampanya laban sa kriminalidad. Sa patuloy na pagtutulungan ng ating mga yunit at kapartner na ahensya, sisiguraduhin natin na walang makapagtatago sa batas”, ayon pa kay PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director ng PRO5.

Tiniyak naman ng PRO5 na patuloy nilang isusulong ang mas ligtas at payapang komunidad sa pamamagitan ng mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo para sa mamamayan ng Bicol.

Leave a Reply