Nabigyan ng isang foldable steel crutches si Romeo Samaupan Sr., isang Person with Disability (PWD) na residente ng Brgy. Palanas, Guinobatan, Albay, nitong Mayo 9, 2026.
Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na humanitarian assistance activity ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5) Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Palanas.
Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangunguna ni PCpl Rey Mark A. Esplana, katuwang ang mga Barangay Tanod ng lugar.
Layunin nitong makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng nasabing indibidwal at sa kanyang kakayahang makakilos nang mas ligtas, maginhawa, at may higit na kumpiyansa sa pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain.
Ipinapakita ng nasabing adhikain ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang makahatid ng tulong sa mga lubos na nangangailangan sa ating komunidad.



