Php98K halaga ng shabu at baril, narekober sa buy-bust sa Tabogon, Cebu

0
17
Screenshot

Matagumpay na narekober ng pinagsanib na puwersa ng Tabogon Municipal Police Station, kasama ang Cebu Provincial Intelligence Team at Regional Intelligence Unit-7, ang nasa Php98K na halaga ng shabu at isang baril sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Somosa, Tabogon, Cebu noong Mayo 12, 2026.

Ang suspek ay kinilalang isang 38-taong gulang na lalaki na siyang pangunahing pakay ng nasabing buy-bust operation.

Pinuri ni PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), ang mga yunit na nagtulungan para sa tagumpay ng operasyon. Binigyang-diin pa niya ang pinaigting na kampanya ng CPPO laban sa ilegal na droga at loose firearms na nakabatay sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at  nararamdaman.”

“Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng walang humpay na pagsisikap ng ating mga kapulisan sa paglaban sa ilegal na droga at krimen. Mananatiling matatag ang Cebu PPO sa hangaring protektahan ang komunidad mula sa panganib na dulot ng droga at mga ilegal na baril,” pahayag ni PCol Mangelen.

Ang arestadong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Tabogon Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa sa korte.

Leave a Reply