Seguridad sa turismo sa Ilocos Norte, pinalakas

0
67

Nagsagawa ng site inspection si Police Brigadier General Jovencio S. Badua Jr., Acting Regional Director ng Police Regional Office 1 (PRO1), sa loteng nakatakdang pagtayuan ng Tourist Police Unit sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte, noong ika-27 ng Mayo 2026.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework na naglalayong palakasin ang proactive policing, mas pinaigting na koordinasyon, at mas mabilis na pagtugon sa mga usaping pangkaligtasan ng komunidad.

Layunin ng planong pagtatatag ng Tourist Police Unit na mapalawak ang police visibility at presensya ng kapulisan sa mga pangunahing tourist destinations sa Ilocos Norte, partikular sa Pagudpud na kilala bilang isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga lokal at dayuhang turista sa bansa.

Ayon sa PRO1, inaasahang makatutulong ang proyekto upang higit na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at turista, gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lugar.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa pagbibigay ng ligtas, maayos, at mas kaaya-ayang kapaligiran para sa publiko habang isinusulong ang turismo at kaunlaran sa rehiyon.

Panulat Ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: PRO 1

Leave a Reply