Pormal nang nanumpa sa isinagawang Turnover of Office Ceremony ng General Santos City Police Office si Police Colonel Eric R De Venancio, Officer-in-Charge, noong Mayo 26, 2026, sa General Boholano’s Multi-purpose Hall, Camp Fermin G. Lira Jr., General Santos City.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Alan B. Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang seremonya kung saan opisyal na natapos ang panunungkulan ni Police Colonel Nicomedes P. Olaivar Jr., at nagsisimula ang bagong pamumuno ni PCol Venancio na itinalagang Officer-in-Charge ng tanggapan.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng pasasalamat si PCol De Venancio kay PBGen Manibog sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya upang pamunuan ang General Santos City Police Office.
Naging tampok sa programa ang simbolikong turnover ng mga sagisag ng katungkulan na pinangunahan ni PBGen Manibog bilang pagpapakita ng maayos at tuloy-tuloy na transisyon ng liderato sa hanay ng kapulisan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni PBGen Manibog si PCol Olaivar sa ipinakitang dedikasyon, sakripisyo, at mahusay na paglilingkod sa panahon ng kanyang panunungkulan. Hinikayat din niya si PCol De Venancio na paigtingin pa ang police operations, palakasin ang community-based policing, at panatilihin ang disiplina sa hanay ng mga pulis.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina dating senador Manny Pacquiao at ang mga opisyal ng lungsod na nagpahayag ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng Philippine National Police para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa General Santos.



