Nakiisa ang Police Regional Office 2 (PRO2) sa isinagawang sabayang pagtataas ng watawat bilang paggunita sa National Flag Day na ginanap sa harap ng Administration Building, Camp, Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-28 ng Mayo, 2026.
Pinangunahan ni PCol Rodelio C Samson, Acting Deputy Regional Director for Administration, ang nasabing aktibidad bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at patuloy na paggalang sa pambansang simbolo ng bansa at sa mga sakripisyong inialay ng mga bayaning Pilipino para sa kalayaan at soberanya ng Pilipinas.
Nagsilbi rin ang sabayang pagtataas ng watawat bilang paalala sa kahalagahan ng nasyonalismo, disiplina, at tapat na paglilingkod publiko. Sa pamamagitan nito, higit na pinagtitibay ang diwa ng pagiging makabayan at responsibilidad ng bawat kawani ng pamahalaan sa pagpapanatili ng dignidad at paggalang sa watawat ng Pilipinas.
Patuloy naman ang PRO2 sa pakikiisa sa mga gawaing nagpapalakas ng pagmamahal sa bayan bilang bahagi ng kanilang pangakong maghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman para sa mamamayan.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni: Pat Leinee Lorenzo



