Dalawang HVI, arestado sa buy-bust operation sa Pampanga; Mahigit Php1-M shabu, nasamsam

0
66

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Pampanga Police Provincial Office ang dalawang High-Value Individuals (HVIs) at nasamsam ang mahigit Php1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Mandasig, Candaba, Pampanga noong Mayo 26, 2026.

Pinangunahan ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU), Candaba Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency Region 3, ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 155 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang Php1,054,000. Agad ding ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan bago dinala sa tanggapan ng PDEU para sa wastong dokumentasyon at disposisyon ng ebidensya.

Pinuri ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at muling pinagtibay ang pinaigting na kampanya ng rehiyon laban sa iligal na droga.

“This successful operation reflects our relentless commitment to the anti-illegal drugs campaign under the PNP Focused Agenda of our Chief, PNP, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. We will continue to intensify intelligence-driven operations against individuals involved in the illegal drug trade to help ensure safer communities across Central Luzon,” ani PBGen Mendez.

Binigyang-diin din ni PBGen Mendez na nananatiling matatag ang PRO3 sa adhikaing maihatid ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga sa buong rehiyon.

Source: PRO 3

Leave a Reply