SCPO, nagsagawa ng School Safety Lecture sa Santiago Cultural Institute

0
236

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan sa mga paaralan, nagsagawa ang Santiago City Police Office (SCPO) ng School Safety Lecture para sa mga mag-aaral ng Santiago Cultural Institute, Inc. (Chinese School) noong Hulyo 31, 2026 sa #30 V. Mapa Street, Brgy. Plaridel, Santiago City.

Pinangunahan ni PLtCol Saturnino F. Soriano, Chief ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU), kasama ang mga tauhan ng Police Station 2 sa pamumuno ni PLt Lorenzo Panaligan Jr., Assistant Station Commander, ang naturang aktibidad. Nakiisa rin si Engr. Jaime I. Go, MAEd, Principal ng paaralan, kasama ang mga guro at iba pang kawani sa pagsasagawa ng programa.

Sa isinagawang lecture, nagbigay si PLtCol Soriano ng isang audio-visual presentation na tumalakay sa mahahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan sa paaralan at sa wastong pagtugon sa mga emerhensiya, sakuna, at iba pang hindi inaasahang insidente. Sinundan ito ng isang open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral, guro, at school personnel na magtanong at makatanggap ng mga praktikal na gabay mula sa kapulisan hinggil sa school safety, disaster preparedness, at tamang pagtugon sa iba’t ibang uri ng panganib.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at ng sektor ng edukasyon, mapaigting ang kamalayan sa school safety at disaster preparedness, at maisulong ang isang ligtas, maayos, at handang kapaligiran sa pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng Philippine National Police ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” sa pakikipagtulungan sa mga paaralan upang mahubog ang mga kabataang may disiplina, kamalayan sa kaligtasan, at aktibong katuwang sa pagpapanatili ng isang mapayapa at ligtas na komunidad.

Source: Santiago Cpohq

Leave a Reply