Santiago City Police Office, nakiisa sa paggunita sa Araw ng mga Bayani

0
782

Sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak, binigyang-pugay ng Santiago City Police Office (SCPO) kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Santiago City, ang mga bayaning sina Gat. Jose Rizal at Gat. Andres Bonifacio sa San Andres Santiago City nito lamang ika-25 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ni PCol Lucio L. Simangan Jr, Hepe ng SCPO, kasama ang ibang mga opisyal, ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa mga bantayog ng mga nabanggit na bayani.

Kabilang sa mga nakiisa sa seremonya sina Councilor RC Co, CLGOO Raul Melegrito, DEPED Santiago City, Veterans Foundation of the Philippines Santiago Chapter, mga Department Heads, at kawani ng LGU Santiago.

Sa taunang pagsasagawa nito, kinikilala ng SCPO at LGU ang mga naging sakripisyo at kontribusyon ng mga bayani sa kalayaan ng mga mamamayan sa bansa.

Bilang pagtatapos, ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng SCPO at LGU Santiago City sa mga bayani ng bansa, at nagsisilbing inspirasyon sa mga mamamayan na ipagpatuloy ang kanilang pamana ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan.

Source: Santiago CPO

Panulat ni Patrolman Rolando T Baydid Jr