3 Former rebels sa Tabaco City, sumuko sa pamahalaan

0
915

Tatlong dating kasapi ng armadong kilusan ang pormal na sumuko sa mga awtoridad sa Tabaco City nitong Lunes ng umaga, Agosto 25, 2025.

Kinilala lamang ang mga nagsibalik-loob sa kanilang mga alyas na sina “Daisy,” 52-anyos at isang kasambahay; “Rodolfo,” 48-anyos na magsasaka; at “Tay/Jack,” 65-anyos na barangay kagawad.

Ang tatlo ay dati umanong konektado sa Kilusang Larangang Gerilya (KLG1), Sub-Regional Committee 5 (SRC5), at ilang lokal na yunit ng kilusan na matagal nang aktibo sa Albay.

Ayon kay PLtCol Edmundo A Cerillo Jr, Chief of Police ng Tabaco CPS, naging matagumpay ang pagsuko sa pamamagitan ng sama-samang negosasyon at koordinasyon ng iba’t ibang sangay ng kapulisan at militar.

Kabilang sa mga nagpasimuno ng operasyon ang 2nd Albay Provincial Mobile Force Company, 93rd Special Action Force, Albay Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 5, Regional Intelligence Unit 5, 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army, 505th Mobile Company ng RMFB5, at Tabaco City Police Station.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Tabaco City Police ang tatlong dating rebelde para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Pinuri naman ni Police Colonel Noel Donato Nuñez, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office, ang kanilang pagbabalik-loob at binigyang-diin na patunay ito sa bisa ng Whole-of-Nation Approach ng pamahalaan laban sa insurhensiya.

Source: Albay PPO

Panulat ni PSSg Mercolito P Lovendino Jr