Isinagawa ang Run with the Chief na pinangunahan mismo ni Chief PNP, Police General Nicolas D. Torre III, kasama ang mga pulis, opisyal, at mga sibilyan sa Parklinks, Barangay Rosario, Pasig City nito lamang umaga ng Linggo, Agosto 24, 2025.
Bilang bahagi ng masayang pagsisimula, isinagawa muna ang Dance Fitness session na nagsilbing warm-up exercise ng lahat ng kalahok.
Pinangunahan ito ng mga fitness instructors na nagbigay ng masigla at masayang enerhiya sa kapaligiran bago nagsimula ang takbuhan.

Ang fun run ay nilahukan ng daan-daang kalahok mula sa iba’t ibang sektor—mga tauhan ng PNP, mga empleyado, estudyante, at residente ng Pasig at karatig-lugar.

Tatlong kategorya ng distansya ang itinakbo: 3K, 5K, at 10K run, na sumubok sa tibay at tatag ng mga lumahok habang dinadaanan ang mga pangunahing kalsada sa paligid ng Parklinks.

Matapos ang takbuhan, iginawad ang mga tropeo at medalya sa mga top finishers ng bawat kategorya.
Ang awarding ay pinangunahan mismo ni PGen Torre III kasama ang mga opisyal ng PNP, na nagbigay pagkilala sa dedikasyon, disiplina, at sportsmanship ng mga kalahok. Ang tagpo ay naghatid ng dagdag na saya at inspirasyon sa lahat ng dumalo.


Bukod sa pagtataguyod ng kalusugan at ehersisyo, layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, ipakita ang pagiging malapit ng pamunuan ng PNP sa taumbayan, at bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagpapanatili ng ligtas at masiglang pamayanan.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagpahayag ng pasasalamat si PGen Torre III, sa lahat ng lumahok at tiniyak na ipagpapatuloy ng PNP ang ganitong mga programa na nagsusulong ng fitness, camaraderie, at community partnership.
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos
Photo Courtesy: Pasig PNP FB Page



