Notorious Drug Suspect, arestado sa Mandaue City; Php17M halaga ng shabu, nakumpiska

0
848
created by InCollage

Arestado ang isang notoryus na babaeng drug suspect na si alyas “Jane,” kung saan nakumpiska ang tinatayang 2.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php17 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Mandaue City noong gabi ng Agosto 22, 2025.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Mandaue City Police Office City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division 7, Regional Drug Enforcement Unit 7, Police Drug Enforcement Group 7, at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7 sa M. Logarta Street, Barangay Subangdaku.

Narekober mula sa suspek ang iba’t ibang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.5 kilos at nagkakahalaga ng Php17 milyon, buy-bust money, cellphone, at isang backpack na ginamit bilang lalagyan ng droga.

“Ang pagkakaaresto sa isang notoryus na drug suspect at pagkakasamsam ng Php17 milyon na halaga ng shabu ay patunay ng aming matatag na hangarin na wakasan ang problema sa iligal na droga sa Central Visayas, ” ani PBGen Redrico A Maranan, Regional Director ng PRO7.

Tiniyak din niya na ipagpapatuloy ng PRO7 ang pinaigting na operasyon laban sa droga alinsunod sa direktiba ng Chief, PNP, Police General Nicolas D Torre III.

Source: PRO7-PIO