Suspek at mga armas, nasamsam sa Search Warrant operation sa Nueva Ecija

0
836

Naaresto ng mga awtoridad ang isang suspek at nasamsam ang ilang mga ilegal na armas sa isinagawang search warrant operations ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) nito lamang Biyernes, ika-22 ng Agosto 2025.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Chong”, 34-anyos, magsasaka at residente ng Barangay Tayabo, San Jose City.

Nasamsam mula sa kanya ang isang (1) kalibre .38 revolver (homemade) na walang serial number at kargado ng limang (5) bala, isang (1) basyo ng bala para sa kalibre .38, at isang (1) itim at berdeng sling bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Samantala, pinuri ni Police Brigadier General Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3, ang mabilis at matagumpay na operasyon ng NEPPO at mga kasangay na yunit, sa pamumuno ni PCol Heryl “Daguit” L. Bruno, Provincial Director, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga loose firearms sa rehiyon.