Road clearing operation sa San Gabriel, La Union, pinangunahan ng PNP at mga katuwang na ahensya

0
151

Nagsagawa ng tuloy-tuloy na road clearing operation ang mga tauhan ng San Gabriel Police Station sa pangunguna ni Police Major Antonia J. Farol, Officer-in-Charge, katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng San Gabriel sa pamumuno ni Municipal Mayor Lany B. Carbonell, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga community volunteers sa mga Barangay Polipol at Amontoc, San Gabriel, La Union noong Agosto 6, 2026.

Layunin ng operasyon na agad na maalis ang mga debris at iba pang sagabal sa kalsada dulot ng masamang panahon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang na ahensya, naging mas ligtas at muling naging madaanan ang mga apektadong lansangan. Nakatulong din ang operasyon upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang posibleng aksidente at iba pang panganib sa mga komunidad na naapektuhan.

Patuloy na pinaiigting ng Pambansang Pulisya ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders upang matiyak ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga sitwasyong dulot ng kalamidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 1 and La Union PPO

Leave a Reply