Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) sa isang vehicular accident na naganap sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa harap ng Camp Olivas sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga noong umaga ng Hulyo 3, 2026. Agad na nagbigay ng paunang lunas ang mga pulis sa mga biktima upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang hinihintay ang karagdagang medikal na atensyon.
Matapos mabigyan ng first aid, kaagad na isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng nararapat na gamutan. Ipinakita ng mabilis na pagtugon ng RMFB3 ang kahandaan ng mga kapulisan sa pagresponde sa mga insidente at pagbibigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan.
Patuloy na pinagtitibay ng RMFB3 ang misyon nitong pangalagaan at paglingkuran ang komunidad sa pamamagitan ng maagap, maaasahan, at makataong serbisyo publiko, alinsunod sa adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: RMFB 3



