OLCFI Abra Chapter, pinasinayaan ang bagong tanggapan at naglunsad ng outreach program para sa mga bata

0
88

Pinasinayaan ng Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. (OLCFI) Abra Chapter ang bago nitong Chapter Office sa Camp Juan Villamor, Barangay Calaba, Bangued, Abra noong Hulyo 2, 2026. Pinangunahan ang programa nina Mrs. Lilibeth A. Dilag, Adviser ng OLCFI PRO CAR, kasama sina Mrs. Jeanette B. Domallig, Adviser ng OLCFI Abra Chapter, at Mrs. Ma. Catherine Rojo, Chapter President, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na suporta sa mga adbokasiya ng organisasyon.

Kasunod ng pagpapasinaya, isinagawa ng OLCFI Abra Chapter ang Project “ARUGA,” isang feeding at gift-giving activity para sa mga mag-aaral ng Camp Juan Villamor Child Development Center. Naghatid ang programa ng pagkain, mga regalo, at kasiyahan sa mga bata bilang bahagi ng layunin nitong mapalakas ang malasakit at pagtutulungan sa komunidad.

Ang bagong tanggapan ng OLCFI Abra Chapter ay magsisilbing sentro ng koordinasyon para sa mga programa at gawaing pangkomunidad ng organisasyon. Sa pamamagitan ng mga inisyatibang tulad ng Project “ARUGA,” patuloy na naipakikita ang dedikasyon ng OLCFI sa pagsusulong ng pagkakaisa, malasakit, at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Ipinakikita ng mga gawaing ito ang patuloy na pakikiisa ng pamilya ng Philippine National Police sa mga programang pangkomunidad na nagtataguyod ng pagkalinga at pagtutulungan. Kaagapay ng PNP ang OLCFI sa paghahatid ng serbisyong may malasakit, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO CAR

Leave a Reply