Davao City PNP, nagsagawa ng SIMEX kaugnay sa Regional EMPO Challenge 2026

0
131

Nagsagawa ang Davao City Police Office ng Simulation Exercise (SIMEX) Rehearsal noong Hulyo 1, 2026, bilang paghahanda para sa Regional Enhanced Managing Police Operations (EMPO) Challenge 2026.

Sa pangunguna ni Police Colonel Peter B. Madria, City Director ng Davao City Police Office, sinubok sa rehearsal ang kahandaan ng mga tauhan, kagamitan, communication systems, at operational procedures ng kapulisan sa pagtugon sa mga kritikal na insidente.

Kabilang sa mga isinagawang simulation ang bomb threat scenario sa Police Station 1–Sta. Ana, partikular sa paligid ng Agdao Public Market, at hostage scenario sa Police Station 5–Buhangin sa Deca Cabantian Covered Court.

Ayon kay PCol Madria, layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kahandaan at kakayahan ng pulisya sa pagtugon sa iba’t ibang emergency at kritikal na sitwasyon.

Aniya, ang naturang aktibidad ay kaakibat ng adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” at ng Focused Agenda ni Police General Jose Melencio C. Nartatez, Chief, PNP, sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO).

Leave a Reply