RMFB1 at mga katuwang na ahensya, nagsagawa ng tree planting sa Narvacan

0
62

Nagsagawa ng tree planting activity ang mga tauhan ng 103rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa pangunguna ni PCpt Johnny G. Fata-ek, Assistant Company Commander (ACC), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, Narvacan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard sa Sitio Kakaldingan, Brgy. Lungog, Narvacan, Ilocos Sur noong Hulyo 16, 2026.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, na nagsisilbing mahalagang hakbang upang mapanatili ang malinis na kapaligiran, maiwasan ang pagguho ng lupa, at mapalawak ang mga luntiang lugar sa komunidad.

Ipinamalas sa nasabing gawain ang matibay na ugnayan at pagtutulungan ng Philippine National Police at iba pang katuwang na ahensya kasama ang lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan at pangkomunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, higit na napalalakas ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing nakatutulong sa pangmatagalang kaunlaran.

Patuloy namang pinagtitibay ng RMFB1 at ng mga katuwang nitong ahensya ang kanilang pangako na magsagawa ng mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at luntiang kapaligiran para sa susunod na henerasyon, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: 103rd RMFB 1

Leave a Reply