Regional Most Wanted sa kasong murder, arestado sa San Carlos City

0
62

Arestado sa isinagawang operasyon ng kapulisan ang isang lalaki na kabilang sa Top 4 Most Wanted Person sa Regional Level sa Brgy. Ano, San Carlos City, Pangasinan noong Hulyo 15, 2026.

Ang operasyon ay pinangunahan ng San Carlos City Police Station, katuwang ang mga operatiba ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) PRO 1, Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) ng Pangasinan PPO, at Provincial Intelligence Team.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng korte kaugnay ng kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa korte .

Patuloy namang pinaiigting ng San Carlos City Police Station ang kampanya laban sa mga wanted person upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad, alinsunod sa layunin ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: San Carlos City Police Station

Leave a Reply