Nagsagawa ang Regional Mobile Force Battalion – National Capital Region Police Office (RMFB NCRPO) ng Showdown Inspection and Send-Off Ceremonies sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Taguig City ngayong July 25, 2026, bilang paghahanda sa deployment ng personnel ng RMFB NCRPO para sa State of the Nation Address (SONA) 2026.
Pinangunahan ni RMFB NCRPO Force Commander PCol Celso M. Rodriguez ang inspeksyon sa personnel, kagamitan, at mobility assets upang tiyakin na ang kapulisan ay handa sa kanilang nakatalagang tungkulin.
Dumalo rin sa aktibidad sina PMaj Joanas A. Lozano, Assistant RPO-NCR; PLtCol Roderick A. Pacilan, Deputy Force Commander; PLt Rosalyn P. Escobar, Deputy Operations Section; PCol Bryant B. Demot, OIC, RIAS-NCR; at iba pang opisyales ng RMFB NCRPO.
Sa isinagawang deployment briefing, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng maximum tolerance, disiplina, propesyonalismo, at paggalang sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng kaayusan at seguridad sa araw ng SONA.
Kasado na ang Civil Disturbance Management (CDM) personnel ng RMFB NCRPO na tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko, alinsunod sa umiiral na batas at Focused Agenda ng Philippine National Police.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: PNP RMFB NCR



