Naaresto ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Tinambac Municipal Police Station sa isinagawang pinaigting na manhunt operation noong Hulyo 21, 2026 sa Barangay Olas, Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Tope,” 45 taong gulang at residente ng naturang lugar.
Siya ay nadakip ng mga tauhan ng Tinambac Municipal Police Station sa ilalim ng Camarines Sur Police Provincial Office sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng hukuman noong Nobyembre 3, 2025.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap niya ang paglabag sa Section 5(A) ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, na may inirekomendang piyansang Php72,000.00; paglabag sa Section 5(I) ng parehong batas; at kasong rape na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri naman ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director ng PRO5, ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at walang sawang pagsisikap na maaresto ang mga wanted na personalidad sa rehiyon.
Patuloy namang pinapalakas ng PRO5 ang mga intelligence-driven operations, focused law enforcement activities, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos



