Ganap nang nakahanda ang Police Regional Office 2 sa pagpapatupad ng komprehensibong security measures upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 27, 2026.
Bilang bahagi ng paghahanda, nag-deploy ang PRO2 ng 1,000 police personnel sa Metro Manila bilang augmentation force upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa araw ng SONA.Kasabay nito, nananatiling nakaalerto ang lahat ng police units sa buong Region 2 upang tiyakin ang kahandaan sa anumang sitwasyon. Nakaantabay ang mga tauhan ng kapulisan upang magsagawa ng kaukulang security operations, kabilang ang pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar na maaaring pagdausan ng mga mapayapang pagtitipon at iba pang aktibidad kaugnay ng SONA.
Patuloy ding ipatutupad ng PRO2 ang mga kinakailangang hakbang sa seguridad habang tinitiyak ang paggalang sa karapatang pantao at ang karapatan ng bawat mamamayan na malayang makapagpahayag alinsunod sa umiiral na mga batas.
Patuloy na nananawagan ang Police Regional Office 2 sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na batas at pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng State of the Nation Address.
Source: PNP Police Regional Office 2



