Pangasinan 2nd PMFC nagsagawa ng Contingent Inspection bilang paghahanda sa SONA 2026

0
44

Bilang bahagi ng paghahanda para sa State of the Nation Address (SONA) 2026, nagsagawa ng Contingent Inspection ang mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ngayong Hulyo 25, 2026 upang tiyakin ang kanilang kahandaan sa nakatakdang deployment.

Pinangunahan ang inspeksyon ni PCPT Joseph P. Mejia, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Richard Q. Agrader, Force Commander. Sinuri sa aktibidad ang operational readiness ng bawat tauhan, kabilang ang kumpletong kagamitan, wastong uniporme, at pangkalahatang kahandaan sa pagtugon sa anumang misyong ipagkakatiwala sa kanila kaugnay ng SONA.

Layunin ng inspeksyon na matiyak na ang bawat miyembro ng yunit ay nasa maayos na kondisyon pisikal, mental, at logistikal upang magampanan ang kanilang mga tungkulin nang may kahusayan, disiplina, at propesyonalismo.

Sa pamamagitan ng patuloy na paghahanda at mahigpit na inspeksyon, ipinakikita ng Pangasinan 2nd PMFC ang kanilang kahandaan na suportahan ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa panahon ng SONA 2026.

Panulat ni PMSg carmela G Danguecan

Source: Pangasinan 2nd PMFC

Leave a Reply