Matagumpay na nagbigay ng mahigpit na seguridad ang mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director PCol Eleazar R Barber Jr. sa isinagawang pagbisita ni His Excellency President Ferdinand R Marcos Jr. ngayong umaga, Pebrero 16, 2026 sa Taytay, Rizal kaugnay ng pagdiriwang ng DHSUD 7th Anniversary at Expanded 4PH Milestone Event – Rizal.
Personal ding pinangasiwaan ng PRO CALABARZON sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director PBGen Paul Kenneth T Lucas ang kabuuang seguridad at maayos na deployment ng kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng dumalo.
Sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang katuwang na ahensya, matagumpay na napanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong aktibidad—patunay ng patuloy na dedikasyon ng Rizal PNP sa pagtiyak ng seguridad ng publiko at pagsuporta sa mga pambansang programa ng pamahalaan.
Source: Rizal PPO / https://www.facebook.com/share/p/1UiLPR86FF/



