Patuloy na umarangkada ang mga reorganization at reintegration programs ng Samar Police Provincial Office (Samar PPO) para sa mga former rebels na ginanap nito lamang February 1, 2026 sa Brgy. Lagundi, Catbalogan City.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng nasa 80 kalahok, na naka-pokus para magbigay ng gabay, tuloy-tuloy na suporta, at mentorship para sa mga dating rebelde bilang bahagi sa kanilang preparasyon sa pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Bilang bahagi sa programa, inilunsad ng Samar PPO ang Project FAITH o Food Always In The House — isang inisyatibo na dinisenyo upang magbigay sa mga former rebel ng kongkretong mga pamamaraan para sa pagkakaroon ng pangmatagalang kabuhayan.
Ang Project FAITH ay magbibigay daan sa mga former rebels upang magkaroon ng mga karagdagang practical skills partikular na sa larangan ng agrikultura para sa kanilang maayos na pamumuhay.
“Ang Project FAITH ay patunay na ang kapayapaan ay napapalakas kapag binibigyan natin ng malinaw na oportunidad ang mga dating rebelde na magkaroon ng maayos at marangal na kabuhayan. Kapag may pagkain sa mesa at may direksyon ang buhay, mas nagiging matibay ang kapayapaan sa komunidad,” ayon pa ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C Nartatez Jr.
“Hindi lang ito tungkol sa pagbabalik-loob, kundi sa pagbibigay ng kakayahan na mamuhay nang marangal. Sa pamamagitan ng ganitong programa, ginagawa nating katuwang sa kapayapaan ang mga dating rebelde—isang konkretong anyo ng serbisyong tunay na nararamdaman ng mamamayan,” dagdag pa ni PGen Nartatez.



