Tinatayang nasa Php374,000 halaga ng shabu ang nasabat at naaresto ang suspek sa isinagawang search warrant ng mga otoridad sa Purok 6, Barangay Saray, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Martes, Pebrero 3, 2026.
Kinilala ni Police Colonel Leo DL Sua, Provincial Director ng Lanao del Norte Police Provincial Office, ang suspek na si alyas Doki,” 22 anyos, residente ng naturang lugar at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Narekober sa naturang operasyon ang 55 gramo ng hinihinalang shabu, improvised glass tooter, aluminum foil strips, disposable lighters, at gunting.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10 Team Iligan, 1005th Regional Mobile Force Battalion 10, Iligan City Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 10 at Iligan City Police Station 5.
Patuloy namang hinihikayat ng Lanao del Norte PNP ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon, bilang mahalagang katuwang sa pagsusulong ng isang ligtas, malinis, at drug-free na probinsya.



