Php91.25M halaga ng illegal drugs, matagumpay na narekober sa Cordillera Administrative Region

0
444

Matagumpay na narekober ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang aabot sa Php91.25 milyong halaga ng iligal na droga sa isang linggong anti-illegal drugs drive na ipinatupad ng pulisya sa Cordillera Administrative Region (CAR) simula January 26 hanggang February 1, 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., isinakatuparan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang nasa 34 operasyon, kung saan kabilang na rito ang 32 marijuana eradication efforts, pagsilbi ng isang Warrant of Arrest, at isang police response, na nagresulta sa pagkakumpiska ng iligal na droga na aabot sa kabuuang Standard Drug Price na Php91,256,880.

Sa parehong mga operasyon, matagumpay ring nasira ng pulisya ang nasa 251,565 Fully Grown Marijuana Plants at nasa 2,400 marijuana seedlings mula sa mga identified plantation sites sa bulubunduking bahagi ng rehiyon, kasama ang nasa 2.10 gramo ng shabu na narekober sa parehong mga operasyon.

Nakapagtala ang Benguet Police Provincial Office (PPO) ng pinakamataas na bilang ng mga narekober na kontrabando na aabot sa Php88,242,600 na mga marijuana plants. Sumunod naman ang Kalinga PPO, na nakapagkumpiska ng illegal drugs na nagkakahalaga ng Php3,014,280.00 kung saan naaresto ang isang Street Level Individual (SLI).

“These results show that consistent field operations and firm law enforcement can significantly disrupt the supply of illegal drugs, even in hard-to-reach areas. Hindi titigil ang PNP sa laban na ito dahil malinaw ang ating layunin—protektahan ang ating mga komunidad at ang kinabukasan ng mamamayan”, ani PNP Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr.

“The success of these operations is also a reminder that the fight against illegal drugs is shared by the police and the community. Kapag sama-sama ang aksyon ng pulis at mamamayan, mas nagiging matatag ang ating depensa laban sa iligal na droga,” dagdag pa niya.