Regional Top 4 Most Wanted Person sa kasong murder, arestado ng Cebu City PNP

0
1550

Arestado ng mga operatiba ng Cebu City Police Station 10 ang isang Regional Top 4 Most Wanted Person sa kasong murder sa isinagawang warrant operation sa Barangay Kalunasan, Cebu City noong Hunyo 3, 2026.

Kinilala ni PCpt Joel G. Dela Cerna, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Station 10, ang suspek na si alyas Rosendo, 32 anyos na residente ng Bargy. Bulacao, Cebu City.

Batay sa ulat, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 15, Cebu City noong Hunyo 2, 2026 na walang rekomendadong piyansa.

Matapos ang matagumpay na pag-aresto, dinala ang akusado sa mga kinauukulang awtoridad para sa dokumentasyon at kasalukuyang nakapiit sa BJMP-7 Cebu City Jail Male Dormitory habang hinihintay ang kanyang pagharap sa hukuman.

Ayon sa Cebu City Police Office, ang pagkakaaresto sa suspek ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na tugisin ang mga wanted na indibidwal at tiyaking maihaharap sila sa hustisya sa ilalim ng hangarin ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply