Nasabat ang nasa Php2.4 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang indibidwal sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Brgy. Pamotolon, Kalilangan, Bukidnon nito lamang Hunyo 3, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Xandro,” 47 anyos, may asawa, driver; at alyas “Rap-Rap,” 32 anyos, truckman helper, pawang mga residente ng Brgy. Riverside, Kolambugan, Lanao del Norte.
Nasabat sa operasyon ang iba’t ibang smuggled na sigarilyo, kabilang ang 53 kahon, limang ream, at siyam na pakete ng red Pragon cigarettes, anim na kahon ng white San Marino cigarettes, at isang kahon ng red Commando cigarettes, na may kabuuang halaga na tinatayang PHP2,404,720.00.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10, Provincial Intelligence Unit, Kalilangan Municipal Police Station, CIDG-Bukidnon; at Maritime Police Station (MARPSTA)-Misamis Oriental.
“This major seizure demonstrates the intensified implementation of our checkpoint operations at border control points. Let this serve as a firm warning we will relentlessly track, disrupt, and dismantle every illicit supply chain operating in Northern Mindanao,” ani ni RD Abrahano.
Source RPIO PRO10



