Regional Most Wanted Person sa kasong sexual assault, arestado ng Padre Garcia MPS

0
227
Screenshot

Naaresto ng mga tauhan ng Padre Garcia Municipal Police Station (MPS) ang isang Regional Most Wanted Person na kinilalang alyas “Mark,” 31, dakong alas-12:30 ng madaling-araw noong Agosto 14, 2026 sa Barangay San Miguel, Padre Garcia, Batangas. Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 2, Lipa City, Batangas noong Marso 19, 2026.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A (2) ng Revised Penal Code, as amended by RA 8353, kaugnay ng RA 7610, na may inirekomendang piyansang Php200,000. Kaugnay ito ng alegasyong sexual assault sa kanyang 12-anyos na anak noong Mayo 26, 2025 sa Barangay San Felipe, Padre Garcia, Batangas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Padre Garcia MPS ang naarestong indibidwal habang hinihintay ang return of warrant sa issuing court.

Bahagi ang operasyon ng PRO CALABARZON B.E.S.T. Initiative Against Sexual Offenders sa ilalim ng B.E.S.T. Policing Framework ni PBGen Dominic L. Baccay, Regional Director ng PRO4A. Nakahanay din ito sa Focused Agenda ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. na higit pang palakasin ang kampanya laban sa mga most wanted persons at tiyaking naihaharap sa batas ang mga indibidwal na pinaghahanap dahil sa mabibigat na krimen.

Binigyang-diin ni PBGen Baccay na walang lugar na mapagtataguan ang mga sexual offenders sa CALABARZON, at patuloy silang tutugisin upang maiharap sa hukuman, bilang bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa kaligtasan ng publiko, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 4A (https://www.facebook.com/share/v/1d19MhQpBy/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply