Siquijor PPO, nakiisa sa Coastal Clean-Up Activity sa Siquijor

0
142

Masigasig na nakiisa ang mga tauhan ng Siquijor Police Provincial Office sa inilunsad na Coastal Clean-Up Activity sa Barangay Poblacion, Siquijor, Siquijor, nito lamang August 13, 2026.

Kabilang sa mga nanguna sa partisipasyon si PCol Mark Anthony M Andrade, Provincial Director ng SPPO, kasama si LTJG Riza T. Geneblaza, Station Commander ng Coast Guard Station (CGS) Siquijor. Nakibahagi rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni FCINSP Marlon K Chomling, mga caretaker, at mga Barangay Officials ng Barangay Poblacion.

Sa kanilang tulong-tulong na paglilinis, nakalikom ang grupo ng kabuuang 15 sako ng mga waste materials mula sa nasabing coastal area.

Ipinakita sa nasabing inisyatiba ang kahalagahan ng environmental stewardship, proper waste management, at ang sama-samang responsibilidad sa pangangalaga at pagbibigay ng proteksyon sa mga coastal resources ng buong lalawigan.

Alinsunod sa core values na “Makakalikasan” at sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” siniguro ng Siquijor PNP na patuloy silang makibahagi sa parehong mga aktibidad kasabay ng pagpapatupad ng batas para sa maayos at ligtas na mga komunidad sa buong Siquijor.

Source: https://www.facebook.com/share/p/17ukgPtfpj/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply