RD PBGen Dela Cruz, pinuri ang Marinduque PPO sa pagkakahuli sa 3 MWPs sa loob lamang ng walong oras na operasyon

0
77

Pinuri ni Police Brigadier General Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA), ang mga operatiba ng Marinduque Police Provincial Office (PPO) sa matagumpay na pagkakaaresto ng 3 Most Wanted Persons (MWPs) ng lalawigan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa loob lamang ng walong oras na operasyon, mula gabi ng October 31 hanggang umaga ng November 1, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Marinduque PPO, sa pamumuno ni PCol Cornelio C. Tadena Jr., Provincial Director, Boac Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) Marinduque, Police Intelligence Team (PIT) Marinduque, Regional Intelligence Unit 4B (RIU4B), at Marinduque Maritime Police Station (MARPSTA).

Dakong 6:20 ng gabi noong October 31, nahuli ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang Rank 2 Provincial Most Wanted Person, na kinilala bilang isang 39-anyos na magsasaka mula sa Brgy. Tumagabok, Boac, Marinduque. Dakong 6:45 naman, naaresto ng parehong mga operatiba ang Rank 3 Provincial Most Wanted Person, na isang 30-anyos na magsasaka mula sa Sitio Centro, Brgy. Tumagabok, Boac, Marinduque.

Nagpatuloy ang parehong operasyon sa umaga ng November 1, matapos maaresto ang Rank 1 Provincial Most Wanted Person na isang 50-anyos na magsasaka at temporaryong naninirahan sa Brgy. Tanza, Boac dakong 1:30 ng madaling-araw.

Inaresto ang tatlo sa bisa ng mga Warrants of Arrest na inisyu noong October 30, 2026 ng Regional Trial Court Branch 94, Boac, Marinduque, kaugnay ng Criminal Case No. 257-26 sa kasong murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code, na walang piyansang inirekomenda.

Agad namang isinailalim sa kustodiya ng Boac MPS ang tatlong naarestong mga wanted person para sa legal na dokumentasyon at tamang disposisyon.

Kinilala ni PBGen Dela Cruz ang patuloy at epektibong pakikipag-ugnayan ng mga operating units sa buong rehiyon na siyang nagbigay-daan sa matagumpay na pagtugis sa mga wanted person.

“The arrest of the province’s three most wanted persons for murder in less than eight hours demonstrates the importance of sustained intelligence efforts and effective coordination among our police units. I commend our personnel for their dedication and commitment to implementing the warrants of arrest. We will continue to pursue wanted persons and ensure that they are brought before the proper courts to answer for the charges against them (Ang pag-aresto sa tatlong pinaghahanap na indibidwal sa lalawigan na may kasong murder, sa loob ng wala pang walong oras, ay nagpapakita ng kahalagahan ng patuloy na intelligence efforts at epektibong koordinasyon sa pagitan ng ating mga yunit ng pulisya). Pinupuri ko ang ating mga tauhan sa kanilang dedikasyon at paninindigan sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest. Patuloy nating hahabulin ang lahat ng mga taong pinaghahanap ng batas at titiyaking maihaharap sila sa tamang hukuman upang sagutin ang mga kasong isinampa laban sa kanila,” giit pa ni PBGen Dela Cruz.

Ang matagumpay na operasyon ay alinsunod sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1L1WMWvJ58/

Leave a Reply