Paggunita sa “Undas 2026” sa buong Metro Manila, naging mapayapa ayon sa NCRPO

0
77

Naging mapayapa at maayos ang sitwasyon sa pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa buong bahagi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mula November 1 hanggang Nobyembre 2, 2026.

Ayon kay PBGen Christopher N Abrahano, Officer-In-Charge ng NCRPO, nasa 17,142 security personnel ang itinalaga upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita ng Undas. Nabatid na ang pangkalahatang mapayapa at maayos na paggunita ng Undas 2026 sa buong Metro Manila ay sa pamamagitan ng disiplinadong pamamahala sa mga tao, maagap na pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad, at tuloy-tuloy na pagbibigay ng tulong sa publiko.

Ayon kay PBGen Christopher N Abrahano, Officer-In-Charge ng NCRPO, nasa 17,142 security personnel ang itinalaga upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita ng Undas. Nabatid na ang pangkalahatang mapayapa at maayos na paggunita ng Undas 2026 sa buong Metro Manila ay sa pamamagitan ng disiplinadong pamamahala sa mga tao, maagap na pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad, at tuloy-tuloy na pagbibigay ng tulong sa publiko.

May kabuuang 17,142 security personnel ang itinalaga upang magbantay sa 76 na sementeryo at 70 columbarium, na sinuportahan ng 183 Police Assistance Desks and Centers (PADs/PACs) na estratehikong inilagay upang matiyak ang madaling paghingi ng tulong at tuloy-tuloy na presensya ng kapulisan. Binubuo ang puwersang ito ng 12,848 tauhan ng NCRPO, 668 mula sa Regional Support Units, at 3,626 tauhan mula sa mga katuwang na ahensiya ng law enforcement, na sama-samang nagsagawa ng seguridad sa loob ng dalawang araw na paggunita.

Kapansin-pansin din ngayong taon ang malaking pagtaas ng bilang ng mga dumalaw sa mga sementeryo at columbarium sa Metro Manila, na umabot sa 2,522,841 katao, mas mataas kumpara sa 1,889,943 na naitala noong nakaraang taon. Sa kabila ng pagdagsa ng mga tao, nanatiling maayos ang kanilang paggalaw dahil sa maagang paghahanda, malinaw na pamamahala sa daloy ng trapiko at mga pedestrian, at tuloy-tuloy na presensya ng kapulisan.

Sa isinagawang mga operasyon kaugnay sa Undas, nakumpiska ang 235 ipinagbabawal na bagay, kabilang ang pitong patalim, 72 lighter, 52 sigarilyo at vape-related items, 69 na nasusunog na substansiya, isang inuming nakalalasing, at 34 pang iba’t ibang ipinagbabawal na kagamitan. Naitala rin ng mga monitoring team ang 13,122 bisita sa mga sementeryo at columbarium sa panahon ng pinakamaraming dumadalaw, na napangasiwaan nang walang malaking abala o insidente.

Ang mapayapang paggunita ay sumasalamin sa pagpapatupad ng Five-Focused Agenda ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP, partikular ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO), sa pamamagitan ng koordinadong deployment, maagap na pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad, epektibong pagkontrol sa dami at daloy ng mga tao, at pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at komunidad.

“Ang mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ay hindi nagkataon lamang. Bunga ito ng maagang paghahanda, mahigpit na koordinasyon, at disiplinadong pagtupad sa tungkulin. Taos-puso akong nagpapasalamat sa ating mga district director, commander, lahat ng kapulisan, at mga katuwang nating ahensiya na nagsakripisyo ng oras at lakas para sa kaligtasan ng publiko.” mensahe ni PBGen Abrahano.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19kT9KdETB/

Leave a Reply