Patuloy na naka-alerto ang mga miyembro ng Kitaotao Municipal Police Station sa ilalim ng liderato ni Police Major Jose Regner M Sevilleno, Chief of Police, na nanguna sa inspeksyon sa mga nakatalagang kapulisan sa Kitaotao Integrated Bus Terminal sa Poblacion, Kitaotao, Bukidnon nito lamang Lunes, Nobyembre 2, 2026.
Layunin ng nasabing inspeksyon na tiyakin ang kahandaan ng mga tauhan, maayos na pagpapatupad ng deployment, at mas pinalakas na police presence upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero ngayong Undas, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.
Hinikayat naman ni PMaj Sevilleno, na sumunod sa alituntunin sa terminal, bantayan ang mga personal na gamit, iulat sa mga kapulisan ang mga kahina-hinalang bagay upang maiwasan ang anumang insidente, at kung nangangailangan ng anumang tulong, huwag mahiyang lumapit sa mga Police Assistance Desk (PADs) upang mabigyan ng agarang tulong.
Source: https://www.facebook.com/share/1CFcEvcPXf/

