PRO NIR, nakapagtala ng 30.97% pagbaba ng krimen sa buwan ng Oktubre 2026

0
152

Iniulat ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) ang 30.97% na pagbaba ng mga insidente ng krimen sa buwan ng Oktubre 2026, kung saan bumaba ng 595 kaso kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon na mayroong naitalang 862 na insidente.

Ayon sa PRO NIR, ang Public Safety Indicator ang may pinakamalaking ibinibaba sa rehiyon, kung saan nakapagtala ito ng 69.92 percent, mula 399 na insidente noong Oktubre 2025 patungong 120 na lamang ngayong taon. Nanguna dito ang 69.77 porsiyentong pagbaba sa mga vehicular incidents, mula 397 patungong 120 kaso ngayong 2026.

Bumaba rin ang Index Crime Volume ng rehiyon sa 10.13 percent, mula 797 na insidente noong nakaraang taon patungong 71 kaso ngayong 2026, habang ang eight Focus Crimes ay nakapagtala naman ng 7.79 percent na pagbaba, mula 77 patungong 71. Gayundin ang kaso ng physical injury na bumaba ng 87.50 percent, na nakapagtala na lamang ng dalawang insidente mula sa 16 noong 2025, habang ang rape naman ay bumaba rin ng 44.44 percent, na mayroong 10 kaso ngayon mula sa 18.

Iniugnay naman ni PBgen Rudecindo Reales, PRO NIR Regional Director, ang naturang mga pagbaba sa walang humpay na pagpapatupad ng hanay ng intensified police visibility, mga proactive patrols, matibay na intelligence gathering, at epektibong pakikipag-ugnayan sa mga local government units, maging sa buong komunidad, bilang bahagi ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“Ang pagbaba ng bilang ng krimen ay nagpapakita ng mga hakbang na ating ginagawa upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad. Gayunpaman, hindi ito dahilan upang magpakampante. Patuloy nating paiigtingin ang police visibility, back-to-basics policing, at maagap na pag-iwas sa krimen. Inaasahan ko sa bawat pulis ang disiplina, malasakit, at dedikasyon sa tungkulin. Hindi lamang natin layuning pababain ang bilang ng krimen, kundi tiyakin ang kaligtasan ng bawat Negrense at agarang aksyunan ang bawat insidenteng naiuulat,” saad pa ni PBGen Reales.

Source: PNP Police Regional Office Negros Island Region

https://www.facebook.com/share/p/1Buk3sEXeZ

Leave a Reply