RD Magistrado IV, nanguna sa Community Outreach ng PRO13

0
598

Nanguna si Police Brigadier General Marcial Mariano P. Magistrado IV, Regional Director ng Police Regional Office 13, sa makabuluhang community outreach program para sa 21 batang inabandona sa Balay Silonganan sa Butuan City nito lamang Setyembre 25, 2025.

Nakatanggap ang mga bata ng hygiene kits, diaper, grocery items, bitamina, Jollibee food packs, at ice cream.

Nagbigay rin ng kasiyahan ang PNP Mascot at isang police magician na naghatid ng saya sa mga kabataan.

Kasama sa nasabing aktibidad ang maybahay ni PBGen Magistrado IV na si Police Major Florence R. Magistrado, Adviser ng PRO13 Officers Ladies Club Foundation Incorporated (OLCFI).

Dumalo rin sina Police Colonel James T. Goforth, Chief of the Regional Staff; Police Colonel Laudemer M. Laude, Chief ng RCADD; (Rev. Fr.) Police Major Rogen L. Leyson, Regional Pastoral Officer; at mga miyembro ng PRO13 OLCFI na pinamumunuan ng kanilang presidente, si Dr. Ma. Victoria T. Trojello.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Sister Cielo Marie I. Adecer ng Missionary Sisters of Our Lady of Fatima, tagapamahala ng Balay Silonganan, sa PRO13 at sa pamunuan nito sa pagbibigay ng saya, ginhawa, at pag-asa sa mga batang kanilang inaalagaan.

Bukod sa advance birthday celebration ni PBGen Magistrado IV, ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng PNP upang palakasin pa ang ugnayan nito sa publiko, lalo na sa mga nangangailangan.

“To our children, I want to assure you that you are loved by your police force. We are happy to serve you as brothers and sisters. May you carry with you the courage, faith, and love that are the keys to a brighter future,” ani PBGen Magistrado IV.

Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin