Isinagawa ang Send-off Ceremony ng Civil Disturbance Management Operations Contingents upang mas masiguro ang seguridad sa nalalapit na 1st BARMM Parliamentary Election sa Salipada K. Pendatun, Parang Maguindanao del Norte nito lamang ika-25 ng Setyembre 2025.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Police Colonel Jemuel F Siason, Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na kumatawan kay Police Brigadier General Jayzen C De Guzman, Regional Director, at dinaluhan ng mga Provincial Directors at mga Chief of Police.
Ayon kay PCol Siason, 164 CDMO Contingents ang idedeploy sa Maguindanao del Sur PPO, 56 Contingents naman sa Maguindanao del Norte PPO at 64 sa SGA BARMM.
Ang mga naturang Contingents ay dumaan sa 3-Day Civil Disturbance Management Operations Seminar upang magkaroon ng mga kinakailangang kaalaman at kasanayan upang maging epektibong mamahala ng mga kaguluhan, mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at maprotektahan ang karapatang pantao sa panahon ng malalaking pagtitipon at kritikal na sitwasyon lalo na sa nalalapit na BARMM Parliamentary Elections.
Ang PRO BAR ay mas lalong paiigtingin ang paghahanda at pagiging alerto upang agarang matugunan ang mga sulinarin ng rehiyon at magkaaroon ng ligtas at mapayapang election.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui



