Ranked 8 Provincial Most Wanted Person, arestado sa Antipolo City

0
797

Naaresto ng mga tauhan ng Antipolo Component City Police Station ang isang indibidwal na tinaguriang Ranked 8 Provincial Most Wanted Person kahapon ng ika-10 ng Disyembre 2025 bandang 1:30 ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jeff”, 36 taong gulang, at nahaharap sa kasong Three (3) Counts of Acts of Lasciviousness.

Samantala, maayos na ipinaalam sa suspek ang kanyang karapatan at halaga ng kanyang piyansa na may halagang Php600,000 bawat isa.

Ang naarestong suspek ay pinaalam ang lahat ng kanyang mga karapatan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Component City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Pinuri ni PCol Feloteo A Gonzalgo, Provincial Director ng Rizal PPO, ang mga kapulisan sa isinagawang matagumpay na manhunt operation. Gayundin, malaking tulong ang pakikiisa at kooperasyon ng mga mamamayan sa pagtugis ng kapulisan sa mga taong pinaghahanap ng batas.

Source: Rizal PPO