Php204K halaga ng shabu, nakumpiska ng Taytay PNP

0
746

Nakumpiska ang tinatayang Php204,000 halaga ng hnihinalang shabu mula sa dalawang personalidad sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Taytay Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal bandang 6:40 ng gabi ng Disyembre 11, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Burdado”, isang 42 anyos, isang High Value Individual at si alyas “Tisoy”, 35 anyos, na pawang residente ng Pasig City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 30 gramo na nagkakahalaga ng Php204,000, isang pitaka, at isang SUV.

Samantala, ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Bagamat walang kaukulang mga papeles ang sasakyang nakumpiska, nahaharap din ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 4136 o “Land Transportation and Traffic Code”.

Source: Rizal Police Provincial Office