Higit 100K police personnel, itatalaga para sa seguridad ng Kapaskuhan

0
647

Higit 100,000 kapulisan ang nakatakdang itatalaga sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang panatilihin ang seguridad ng publiko sa darating na Christmas at New Year holidays, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang press conference, sinabi ni Police Brigadier General Randulf Tuaño, Chief, PIO, na mas pinarami pa ng himpilan ang bilang ng nga tauhang idedeploy ngayong taon kumpara noong nakaraan na 60,000 personnel lamang.

“Noong nakaraang taon, nag-deploy ang PNP ng 60,000 plus. Para po sa 2025, magde-deploy po tayo ng 100,000 plus — 70,000 dito ay ang mismong uniformed personnel at 30,000 plus ito ‘yung mga augmentation units po natin,” saad pa ni PBGen Tuaño.

“Kung mapapansin po ninyo, ang deployment natin ay binase po natin ‘yung eight focus crime natin noong October versus noong November. From 3,000 mahigit na naging 2,600, na bumaba po siya ng almost na 13%,” dagdag pa niya.

Ayon pa ng PNP na ang heightened police visibility ay siyang dahilan ng pagbaba ng 12.81% sa focus crimes simula October hanggang November at ang naturang estratehiya ang ipapatupad ngayong holiday season.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/969326/pnp-over-100k-personnel-to-be-deployed-for-istmas-2025/story/