Rank 9 Provincial Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 9165, arestado sa Cebu City

0
15

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa Top 9 Provincial Most Wanted Person matapos itong madakip ng mga awtoridad sa loob ng Cebu City Jail Male Dormitory sa Barangay Kalunasan, Cebu City noong Agosto 2, 2026.

Kinilala ni Police Major Noah L. Añana, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Office–Police Station 6, ang naarestong suspek na si alyas “Dennis,” 42 taong gulang at residente ng Sitio Mahayahay II, Barangay Pasil, Cebu City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 14, Cebu City na may rekomendadong piyansang Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang matagumpay na pag-aresto ay bunga ng patuloy na pinaigting na kampanya ng CCPO laban sa mga wanted persons, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” na naglalayong mapanatili ang kaayusan sa bansa.

Source: Police Station 6, Cebu City Police Office

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply