727 ordinance violators, huli sa Safer Cities Operations ng Cebu PPO

0
21

Umabot sa 727 ordinance violators ang nahuli ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa kabuuang 341 operasyon na isinagawa sa iba’t ibang lalawigan ng Cebu noong Agosto 1, 2026 bilang bahagi ng pinaigting na Safer Cities Operations.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang mga paglabag sa traffic ordinances, pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, paglabag sa curfew ng mga menor de edad, paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, at iba pang umiiral na lokal na ordinansa. Umabot naman sa Php231,000 ang kabuuang halagang nakolektang multa mula sa mga lumabag.

Ayon kay Police Colonel Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng CPPO, layunin ng operasyon na mapanatili ang disiplina, kapayapaan, at kaayusan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa. Pinuri rin ni Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, Regional Director ng Police Regional Office 7 (PRO 7), ang dedikasyon ng mga pulis sa patuloy na pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa lalawigan.

Patuloy namang tinitiyak ng CPPO ang mas pinaigting na police visibility at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mapanatiling ligtas, maayos, at mapayapa ang buong lalawigan ng Cebu sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman”.

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply