Rank 8 Provincial Most Wanted Person sa kasong 3 counts of qualified theft, arestado ng Pulilan PNP

0
18

Arestado ng Tracker Team ng Pulilan Municipal Police Station ang isang 35-taong-gulang na lalaki na tinaguriang Top 8 Most Wanted Person Provincial Level sa bisa ng Warrant of Arrest bandang 2:30 ng hapon noong Agosto 1, 2026 sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Eric C Cister, Hepe ng Pulilan MPS, ang suspek ay isang 35 taong gulang na binata, at residente ng Karangalan Village, Kaharian Street, Pasig City na nahaharap sa kasong 3 Counts of Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 kaugnay ng Article 308 ng Revised Penal Code, na may Criminal Case Nos. 2998-M-2026, 3002-M-2026, at 3003-M-2026 na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php120,000.00.

Ayon kay Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Ang tuloy-tuloy na pagkakaaresto sa mga Most Wanted Person ay sumasalamin sa dedikasyon at propesyonalismo ng ating mga kapulisan sa pagpapatupad ng batas. Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations upang matiyak na ang bawat wanted na personalidad ay mahaharap sa hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan.”

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply