Php855K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat sa Sultan Kudarat; 6 indibidwal, arestado

0
21

Nasabat ang nasa Php855,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Minanga, Barangay Malisbong, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang Hulyo 30, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, narekober sa naturang operasyon ang nasa limang kahon ng Berlin cigarettes at 11 kahon, kabilang ang 200 reams ng Fort cigarettes na nagkakahalaga na aabot sa Php855,700 mula sa anim na suspek na naaktuhang nag-aayos ng mga kahon at dinakip ng pulisya dahil walang maipakitang legal na dokumento.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain. Ang bawat matagumpay na operasyon ay hakbang tungo sa pagprotekta sa ating ekonomiya, pagpapatupad ng batas, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad,” saad ni PBGen Manibog.

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply