Rank 7 Provincial Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado ng PRO6

0
148
Screenshot

Sa pinaigting na manhunt operations ng Police Regional Office 6 (PRO6), naaresto ang Top 7 Provincial-Level Most Wanted Person ng Antique bandang 9:10 ng umaga noong Agosto 13, 2026 sa Brgy. Centro Ilawud, Bugasong, Antique.

Ang akusado na kinilala sa alyas na “Jun-Jun,” 19 taong gulang, laborer, at residente ng nasabing lugar, ay naaresto ng mga operatiba ng CIDG Antique Provincial Field Unit (PFU), katuwang ang Bugasong Municipal Police Station (MPS) at 1st Antique Provincial Mobile Force Company (APMFC).

Isinilbi laban sa kanya ang Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Republic Act No. 11648, na inilabas ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 64, Bugasong, Antique, noong Agosto 12, 2026. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ayon kay PRO6 Regional Director Police Brigadier General Randulf T Tuaño, ang pagkakaaresto sa isa na namang Provincial-Level Most Wanted Person ay nagpapakita ng patuloy na pagtutok ng PRO6 sa intelligence-driven manhunt operations at sa pinaigting na koordinasyon ng mga operating units.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations upang matunton at maiharap sa hukuman ang mga wanted person. Ang pagkakaarestong ito ay bunga ng masusing intelligence work, mahusay na koordinasyon ng ating mga yunit, at dedikasyon ng ating mga kapulisan na tiyaking ang mga taong may kinahaharap na kaso ay mapanagot alinsunod sa batas,” ani PBGen Tuaño.

Ang naarestong wanted person ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Antique PFU para sa kaukulang dokumentasyon bago ang kanyang turnover sa concerned court.

Ang naturang accomplishment ay kaakibat ng adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EsusTmXDb/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply