Dalawang drug personalities ang naaresto matapos makumpiska ang humigit-kumulang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na PhP442,000.00 sa buy-bust operation sa Brgy. Guinobatan, Leganes, Iloilo, dakong 10:40 ng umaga noong Agosto 13, 2026.
Kinilala ang mga suspek na may alyas “Kitong,” 35, may-asawa, at alyas “Lenlen,” 43, walang asawa, at kapwa residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit 1 (PDEU 1) ng Iloilo Police Provincial Office, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 6 (PDEA 6), Leganes Municipal Police Station, at Provincial Intelligence Unit, matapos ang isinagawang intelligence development at validation.
Narekober mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang non-drug-related items.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso alinsunod sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PRO6 Regional Director Police Brigadier General Randulf T Tuaño ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon, na aniya ay nagpapakita ng kahalagahan ng tuloy-tuloy na intelligence work at koordinasyon ng mga law enforcement units.
“Ang pagkakaaresto sa dalawang drug personalities at pagkakasamsam ng malaking volume ng hinihinalang shabu ay nagpapakita ng patuloy na pagiging maagap ng PRO6 sa pagtugis sa mga drug personalities at kanilang mga network. Hindi natin hahayaang makapasok at kumalat ang ilegal na droga sa ating mga komunidad,” ani PBGen Tuaño.
“Patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang intelligence-driven at targeted operations, katuwang ang ating mga partner agencies at komunidad, upang maputol ang daloy ng ilegal na droga at mapanagot ang mga nasa likod nito,” dagdag pa niya.
Alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na intelligence-driven anti-illegal drug operations ng PRO6 laban sa mga drug personalities at kanilang mga network upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga, maprotektahan ang mga komunidad, at maisulong ang layunin ng PRO6 na isabuhay ang Responsive, Trusted, at Transformative Policing para sa mas ligtas na Western Visayas.



