Mga armas at gamit pandigma, nasamsam sa joint operation sa Alcala, Cagayan

0
115

Matagumpay na nakarekober ang pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang law enforcement units ng mga armas at gamit pandigma sa isinagawang joint operation sa Brgy. Carallangan, Alcala, Cagayan noong Agosto 12, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng 1st Cagayan PMFC, katuwang ang Alcala Police Station, Cagayan PECU, 112SAC/11SAB-SAF, 202nd MC, RMFB2, CGIG-NELZN, PIT Cagayan South-RIU2, at PIU-CPPO, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang dating CTG surrenderee hinggil sa posibleng kinaroroonan ng isang arms cache.

Sa isinagawang validation at follow-up operation, nakarekober ang mga operatiba ng tatlong (3) M76B grenade rifles, apat (4) CTG 90mm NEDP, fuse/time blasting components, iba’t ibang uri ng ammunition, isang caliber .38 revolver, mga magazine para sa 7.62mm at 5.56mm firearms, at isang 12-volt battery. Natagpuan ang mga ito na nakatago sa isang bag na binalot ng itim na canvas.

Isinailalim sa kustodiya ng Cagayan PECU ang mga explosive items, habang dinala naman sa Alcala Police Station ang mga non-explosive items para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy na pinagtitibay ng mga law enforcement units ang kanilang koordinasyon, intelligence gathering, at mabilis na pagtugon sa mga impormasyong may kaugnayan sa mga armas at war materials upang maiwasan ang mga posibleng banta sa seguridad at mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa lalawigan ng Cagayan.

Source: PNP 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply