Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company (CS 1st PMFC), R-PSB Team Lugsad, sa isang medical emergency na kinasangkutan ng isang 20-anyos na mag-aaral matapos maaksidente sa Barangay Lugsad, Camarines Sur, noong Agosto 12, 2026.
Sa kanilang mabilis na pagtugon, kaagad na nabigyan ng kinakailangang tulong ang biktima. Sa pakikipag-ugnayan sa Barangay Captain, tinulungan ng kapulisan ang biktima na mailipat mula sa local infirmary patungo sa Mother Seton Hospital sa Naga City upang maisailalim sa karagdagang pagsusuri at mabigyan ng nararapat na atensyong medikal.
Ipinakita ng insidente kung paano naging katuwang ng komunidad ang kapulisan sa oras ng pangangailangan.
Ang agarang pagresponde ng R-PSB Team Lugsad ay bahagi ng pagsisikap ng PNP na palakasin ang community support at gawing mas mabilis at episyente ang serbisyo sa mamamayan. Sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga lokal na opisyal at agarang pagtugon sa sitwasyon, naipamalas ng mga pulis ang kanilang kahandaan at malasakit sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Police Regional Office 5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director, ang isang responsive, community-oriented at people-centered na serbisyo ng kapulisan. Alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” mananatiling katuwang ng mamamayan ang kapulisan sa anumang oras ng pangangailangan.
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos



