Arestado ng mga operatiba ng Pulilan Municipal Police Station ang Top 6 Most Wanted Person Municipal Level sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan bandang 2:45 ng hapon noong Hulyo 28, 2026.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Eric C Cister, Hepe ng Pulilan MPS, ang suspek na si alias “Camil”, 28 taong gulang, babae, na nadakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code na may Criminal Case No. 4583-M-2026.
Pinuri ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ng Pulilan MPS. Binigyang-diin nito ang patuloy na pagpapaigting ng manhunt operations laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kaayusan sa lalawigan ng Bulacan na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Bulacan Police Provincial Office



